Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo
Ang Kolehiyong Rogasyonista o Rogationist College, kilala rin bilang RC na daglat nito, ay isang dalubhasaang pansariling pinapatakbo ng mga paring Rogasyonista, isang orden ng Simbahang Katoliko, at isang institusyong pang-edukasyon alang-alang sa alin mang kasarian. Itinatawag ang mga mag-aaral nito bilang RCian/RCians dahil sa daglat nitong RC, Rogasyonista o Rogationist/Rogationists. Mayroong lawak na 2.4 kilometrong parisukat, matatagpuan ang paaralang ito sa Kilometro 52 ng Lansangang-bayan ni Aguinaldo, Lalaan 2, Silang, Kabite, Pilipinas. Unang ipinatayo ang paaralan ng mga Italyanong Rogasyonistang pari sa anyo ng Saint Anthony's Boys Village (Nayong Panlalaki ni San Antonio) o SABV sa tulong ng pamahalaang Italyano sa pamamagitan ng kawang-gawang Giuseppe Tiovini Foundation, bilang isang paampunan. At ito rin unang paampunan ni San Antonio sa mga turo at asal ni Santo Annibale Maria di Francia sa buong Pilipinas. Nagsimula ang pagtatayo ng mga gusali nito noong 1985, at noong Marso 2, 1985, binasbasan ito ng yumaong obispo ng Imus na si Felix Perez ang haligi ng unang gusali. Natapos ang paggawa ng mga gusali dalawang taon matapos ang simula nito. At noong Mayo, 1987, itinayo ang Rogationist Academy (Akademyang Rogasyonista) o RA sa SABV bilang isang paaralang Katolikong tumatanggap ng mga mag-aaral ng alin mang kasarian mula sa una hanggang ikaapat na antas.
Alam ba ninyo ...

- ...na sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas, ang unang nakalataga sa talaan ng mga kasunduan ay ang paggalang sa pandaigdigang makataong batas ng dalawang panig na nagdirigmaan?
- ...na ang mga villa gaya ng kanila emperador Adriano (nakalarawan) at Trajano ay bukod sa pampahingahan, ay marahil nagsilbi ring paminsang tanggapan?
- ...na ang mga Kipot ng Turkiya, na kinabibilangan ng mga anyong-tubig ng Dardanelos at Bosforo, pati ang Dagat ng Marmara, ay bumubuo ng isang hangganang lupalop ng Asya at Europa?
- ...na ang mga Kuweba ng Ajanta, mga Kuweba ng Ellora, Muog ng Agra, at Tāj Mahal ang unang apat na itinala bilang bahagi ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook sa India?
- ...na ang Templo ng Mundeshwari (nakalarawan), matatagpuan sa mga talampas ng Kaimur at alay sa diyosang si Durga at sa diyos na si Shiva, ay inaangking pinakamatandang gumaganang templong Hindu?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 49,137 artikulo |
302 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Digmaan ng Iran, 2026: Ang pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump, sa kaniyang pangunahing talumpati mula nang magsimula ang digmaan, ay nagsabing malapit nang "tapusin ng mga puwersang Estados Unidos ang gawain" at na ang mga layunin ay "malapit nang makamit". Gayunpaman, sinabi rin niya na "lubhang matinding" aatake ang Estados Unidos sa loob ng susunod na 2–3 linggo kung hindi mararating ang isang kasunduan upang wakasan ang digmaan.
- Krisis sa pandaigdigang langis, 2026: Iminungkahi sa paunang ulat ng Senado ng Pilipinas na pag-aralan ang pagpapatupad ng pansamantalang takdang pinakamataas na presyo sa langis at posibleng rasyon sa gasolina upang harapin ang tumataas na presyo at bantang kakulangan sa panustos dulot ng krisis sa pandaigdigang langis.
- Inilunsad ng NASA ang Artemis II (nakalarawan) mula sa Sentrong Pangkalawakan ng Kennedy sa Florida, Estados Unidos, na sakay ang mga astronaut na sina Reid Wiseman, Victor Glover, at Christina Koch, kasama ang Canadian na astronaut na si Jeremy Hansen, para sa isang pag-ikot (flyby) sa Buwan.
Sa araw na ito (Hunyo 5)

- 1257 — Ang Kraków ay nakatanggap ng karapatan pang-lungsod.
- 1883 — Ipinanganak si John Maynard Keynes, isang ekonomistang Briton.